Delta variant case karamihan ang 574 pasaherong mula sa mga bansang apektado ng Omicron na na-sequence ng Philippine Genome Center (PGC) maliban sa isa na may dalang B.1.1.203 variant.

“Last week, we sequenced about 574 and doon sa ating nai-sequence na ‘yon, puros naman ‘yon Delta. Tapos, gumawa rin tayo ng kung baga emergency run kasi may mga samples na nanggaling sa airport, at sa ating lumabas na sequencing, halos lahat naman doon Delta except na merong B.1.1.203,” saad ni PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma sa panayam sa radyo.

Nilinaw naman ni Saloma na hindi variant of concern o variant of interest ang natukoy na B.1.1.203 variant.

“‘Pag sinabi natin kasi na lineage na hindi naman variant of concern, most likely hindi naman siya nagko-contain ng mutations na,” paliwanag niya. (IS)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post 574 pasahero galing apektado ng Omicron variant, Delta bitbit first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/574-pasahero-galing-apektado-ng-omicron-variant-delta-bitbit/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=574-pasahero-galing-apektado-ng-omicron-variant-delta-bitbit)