Ginawang hanapbuhay ng isang lalaki ang pamemera sa mga babae at ang puhunan niya – ang kanyang kaguwapuhan at pagpapaawa effect.

Pinagsabay-sabay ng lalaki ang isang 29-anyos na negosyante, isang modelo, isang telco manager, isang freelance graphic artist, isang flight attendant at isang OFW.

Isa-isang ikinuwento ng mga nasabing babae sa “Dapat Alam Mo!” show ng GMA, ang modus ng hindi muna pinangalanang scammer.

Kalimitan umanong drama ng lalaki na walang pambayad ng tubig, kuryente at walang makain.

Kaya butas ang bulsa ng mga nabiktima nitong “girlfriend”.

Ayon sa negosyanteng si “Nika”, iba-ibang cellphone number ang gamit ng naturang lalaki na nagpakilalang isang model.

Sabi naman ng kapwa model na si “Karla”, nang sagutin niya ang lalaki ay inutangan siya nang inutangan nito.

Nadale naman ng lalaki ang ipon sa bangko ng telco manager na si “Lea” matapos maawa dahil tinamaan umano ng COVID ang tiyuhin nito.

Gayundin ang karanasan ng isang freelance graphic artist at isang flight attendant na natangayan din ng pera ngunit pinaka-grabe kay “Lisa” na isang OFW, na P150,000 ang nahuthot ng lalaki.

Nagsama-sama sila at sabay nagreklamo sa mga awtoridad laban sa nasabing lalaki.

The post 6 babae jinowa, pinerahan ng gwapo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/6-babae-jinowa-pinerahan-ng-gwapo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=6-babae-jinowa-pinerahan-ng-gwapo)