Isang sanggol at anim na iba pa ang nahawa ng COVID-19 sa Tarlac.

Ayon sa provincial government ng Tarlac nitong Disyembre 10, tinamaan ang 2 taong gulang na sanggol at ang anim na iba ng coronavirus.

Naka-quarantine naman ngayon ang sanggol na nagpakita ng mild symptoms sa bayan ng Concepcion.

Isang 11 anyos din ang may mild symptom na naka-quarantine dahil sa COVID.

Ang iba pang bagong kaso ng COVID-19 ay mula sa Bamban, Camiling, Concepcion, Tarlac, at Paniqui.

The post 6 na iba pa, sanggol tinamaan ng Covid 19 sa Tarlac first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/6-na-iba-pa-sanggol-tinamaan-ng-covid-19-sa-tarlac/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=6-na-iba-pa-sanggol-tinamaan-ng-covid-19-sa-tarlac)