Hanggang ngayong Miyerkoles ay hindi pa nahahanap ng mga awtoridad ang pitong returning overseas Filipino (ROF) galing South Africa na umuwi ng Pilipinas bago itaas ang travel ban sa naturang bansa.

“There are 7 remaining unlocated travelers from South Africa and all were returning overseas Filipinos,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Matatandaang walo ang naiulat na OFW galing sa naturang bansa ang hindi mahagilap, ngunit nakita na ang isa sa mga ito at nagnegatibo naman sa RT-PCR test.

“The located ROF [returning overseas Filipino] is currently in home quarantine, with a negative RT-PCR test, and no symptoms,” ani Vergeire.

Nahihirapan ang mga awtoridad na hanapin ang mga ito dahil sa mga maling impormasyon na kanilang ibinigay pagkauwi ng Pilipinas.

Kaya naman patuloy umano silang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang matunton ang pito pang ROF.

“We are continuously getting in touch with our local government units and other partners to be able to contact these individuals,” dagdag pa ni Vergeire.

Ang South Africa ay isa sa mga bansang nasa travel ban ng Pilipinas dahil sa nakumpirmang kaso ng Omicron variant.

The post 7 ROF galing South Africa ‘di pa mahagilap – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/7-rof-galing-south-africa-di-pa-mahagilap-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=7-rof-galing-south-africa-di-pa-mahagilap-doh)