Tumaas sa bilang na 79,000 pamilya ang nananatili pa rin sa mga evacuation center kasunod ng pananalasa ng Bagyong Odette sa Pilipinas, partikular na sa Visayas at Mindanao.

Sinabi ng Department of Social Welfare and Development nitong Linggo, Disyembre 26, mahigit 313,000 indibidwal ang sumisilong ngayon sa 1,183 na evacuation site.

Ayon naman sa tala ng DSWD’s Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), ang bilang ng mga pamilya na nagpasyang manatili sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan ay tumaas sa 67,669.

Samantala, iniulat ng DSWD na 121,336 tahanan ang totally damaged habang 254,568 naman ang partially damaged. (Sherrylou Nemis)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

The post 79K pamilya nananatili pa rin sa evacuation center dahil kay ‘Odette’ — DSWD first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/79k-pamilya-nananatili-pa-rin-sa-evacuation-center-dahil-kay-odette-dswd/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=79k-pamilya-nananatili-pa-rin-sa-evacuation-center-dahil-kay-odette-dswd)