Umabot na sa 8,743 na pamilya sa Eastern Samar ang inilikas dahil sa malakas na hagupit ng bagyong Odette.

Sinabi ni Gov. Ben Evardone, nasa 29,875 indibidwal ang bilang ng kanilang evacuees.

“21 of the 23 municipalities halos coastal po, nakaharap kami sa Pacific Ocean, lahat ito may evacuees, 29,875 katao,” ani Evardone.

Sinabi ni Evardone sa panayam sa TeleRadyo nitong Huwebes, na malakas na ang bugso ng hangin at ulan sa lugar.

“Nararamdaman na, malakas na ang hangin at ulan, binabayo na kami dito lalo na sa south ng province. Wala nang pumalaot since yesterday at the other day pa ho. Malakas na ho ang ulan at hangin dito kaya erratic ang signal,” saad nito.

Dagdag pa ni Evardone, mabuti at may natitira pa silang pondo dahil nauubos na umano ito sa pagtugon sa COVID-19 sa lugar.

“Ang unang line of defense namin mga LGUs, pangalawa ‘yung province. Buti may natira pa sa pondo namin dahil naubos sa COVID,” dagdag pa nito.

The post 8,743 pamilya inilikas sa Eastern Samar dahil sa bagyong Odette first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/8743-pamilya-inilikas-sa-eastern-samar-dahil-sa-bagyong-odette/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=8743-pamilya-inilikas-sa-eastern-samar-dahil-sa-bagyong-odette)