Bigong maabot ng gobyerno ang target na mabakunahan ang siyam na milyong Pilipino sa inilargang tatlong araw na National Vaccinaton Day simula November 29, 30 at December 1.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje na siya ring Chairperson ng National Vaccination Operations Center (NVOC), nakapagtala sila ng kabuuang 7,628,728 sa tatlong araw na Bayanihan Bakunahan.

Pero hindi pa aniya pinal ang mga datos dahil patuloy pa ang pagtanggap nila ng data mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Inihayag ng National Task Force Against COVID-19 na nagboluntaryo ang ilang lokal na pamahalaan para ituloy ang bakunahan hanggang Biyernes, December 3, 2021.

“We will get the final figures for the three days, tapos yung extension parang bonus na lang yon. I think we do not need the permission of the President kasi kusa na sa mga LGU that they would like to extend the campaign mode para ma-sustain yung enthusiasm,” ani Cabotaje.

Sinabi ng opisyal na para magtuloy-tuloy ang bakunahan ay ilalarga ang ikalawang bugso ng bakunahan sa December 15-17 para masigurong mas maraming Pilipino ang nakatanggap ng bakuna at magkaroon ng proteksiyon laban sa COVID-19.

Batas aniya sa datos, sinabi ni Cabotaje na mayroon pang 21 milyong Pilipino ang hindi pa nabakunahan sa buong bansa na dapat mabigyan ng proteksiyon laban sa mabagsik na virus.

“We should strive very hard kasi meron pa ring 21 million pa ring hindi nababakunahan all over the Philippines, tapos meron ng magdu-due ng kanilang second dose, tapos magbibigay pa tayo ng booster dose,” dagdag ni Cabotaje. (Aileen Taliping)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post 9-M target sa National Vaccination Day ‘di naabot first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/9-m-target-sa-national-vaccination-day-di-naabot/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=9-m-target-sa-national-vaccination-day-di-naabot)