Ilang celebrities ang nagpahayag ng pagka-miss sa ABS-CBN kapag panahon ng sakuna tulad na lang ng bagyong Odette, kabilang na rito si Agot Isidro.

Sa kanyang Twitter post, binanatan din niya ang mga kongresista na bumoto laban sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa Kapamilya Network.

“Kapag may mga disaster na ganito, tutok tayo sa balita sa TV or sa radyo. Ramdam ang pagkawala ng ABSCBN ngayon. To the 70 congressmen and their puppet master. Hindi talaga kayo nakatulong,” tweet ni Agot.

The post ABS-CBN ramdam na ang pagkawala – Agot Isidro first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/abs-cbn-ramdam-na-ang-pagkawala-agot-isidro/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=abs-cbn-ramdam-na-ang-pagkawala-agot-isidro)