Arestado ang isang subleader ng Abu Sayyaf sa isinagawang law enforcement operation ng National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Batangas.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, sinabi ng NBI na sangkot umano ang subleader sa mga kaso ng pagdukot at pag-atake sa Mindanao.

“May kinalaman sa kasong kidnapping with serious illegal detention sa Golden Harvest Plantation kidnapping case kung saan maraming namatay, dalawa ron eh napugutan ng ulo,” pahayag ni chief NBI – Counter Terrorism Division Lawyer Gregorio Zuñiga.

Saad naman ni NBI Director Eric Distor na magba-backtrack ang ahensya upang madakip din ang iba pa nitong kasamahan para umano ligtas ang Kapaskuha at Bagong Taon.

“Magba-backtrack tayo sa ibang kasamahan ng ating naaresto para mas maging ligtas ang ating kaPaskuhan at Bagong Taon,” ani Distor.

Kasalukuyang nakakulong sa NBI detention facility ang naarestong suspek na isang subordinate ng Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon na namatay sa pag-atake sa Marawi City.

The post Abu Sayyaf subleader nalambat ng NBI, AFP sa Batangas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/abu-sayyaf-subleader-nalambat-ng-nbi-afp-sa-batangas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=abu-sayyaf-subleader-nalambat-ng-nbi-afp-sa-batangas)