Tagumpay si Toni Gonzaga na ma-prank ang kapatid niyang prankster si Alex Gonzaga.

Kabilang si Alex sa mga mahilig mang-prank sa kanyang pamilya kabilang na ang kanyang asawang si Mikee Morada.

Bilang prankster, kumpiyansa siya na walang makaka-prank sa kanya – pero hindi ito umubra sa kanyang ate na si Toni.

Sa shooting ng MMFF entry nilang “The Exorsis”, kunyari ay nahimatay si Toni. Una pa lang ay sinasabi niya kay Alex na masama ang pakiramdam niya.

Lahat ng nasa production, maliban kina Alex, Melai Cantiveros at direktor nilang si Fifth Solomon, ay alam ang plano ni Toni.

At habang nasa kalagitnaan ng shooting, bigla kunyaring nawalan ng malay si Toni.

Dahil nakakadena at puno ng prosthetics ang mukha, napasigaw si Alex nang bumagsak ang kanyang ate.

“Stop! Ang ate! Uy ang ate!” ani Alex.

“Statmed!!!” dagdag pa niya.

Kita ang pag-aalala sa kanyang mukha, pinatanggal ni Alex ang nakakabit sa kanyang kadena para malapitan ang kanyang ate Toni.

Ninenerbiyos din at panay ang iyak ni Melai, kaya biro ni Toni, mukhang ito ang major na na-prank niya.

Nang i-reveal na ni Toni na prank lang ang nangyari ay napapunas ng kanyang luha si Alex.

The post Alex Gonzaga napaiyak sa prank ni Toni first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alex-gonzaga-napaiyak-sa-prank-ni-toni/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alex-gonzaga-napaiyak-sa-prank-ni-toni)