Nagwakas na ang karera ni two-time Olympian Jasmine Alkhaldi sa 15th FINA World Swimming Championships (25m) 2021 nang kapusin sa women’s 50 meter freestyle Lunes ng gabi sa Abu Dhabi, UAE.

Tumapos ang Pinay bet sa event overall heats sa 38th place sa 89-entry sa clocking na 25.64 segundo.

Top 16 tanker sa nasabing discipline lang ang mga umabante sa semifinals.

Lumapag naman ang three-time Southeast Asian Games silver medalist na pang-33 sa 60 kumampay sa 50m butterfly sa 27.56 seconds noong Sabado.

The post Alkhaldi inalat sa 50m free first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alkhaldi-inalat-sa-50m-free/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alkhaldi-inalat-sa-50m-free)