Magpapakitang gilas ngayong Sabado si two-time Olympian Jasmine Alkhaldi sa pagsisimula ng 15th FINA World Swimming Championships 2021 sa, Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Sasabak ang three-time SEA Games silver medalist sa women’s butterfly 50-meter para sa kanyang unang event. At muling lalangoy ang Pinay tanker sa Lunes para sa women’s 50m freestyle.

Una nang kumampay nitong Huwebes sina Chloe Isleta, Jerard Jacinto at Jonathan Sebastian Cook sa kani-kanilang mga unang discipline.

Tumapos si Isleta sa women’s 100m backstroke sa 31st place ng overall heats a 1:00.42 clocking, si Jacinto na lumapag sa pang-35 sa men’s 100m backstroke sa 53.69 segundo, at Cook na pumwesto sa pang-36 sa men’s 100m breastroke sa tiyempong 1:00.75.

Tatagal ang six-day swimfest sa Disyembre 21.

The post Alkhaldi sisisid sa UAE swimfest first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alkhaldi-sisisid-sa-uae-swimfest/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alkhaldi-sisisid-sa-uae-swimfest)