Inihayag ni naturalized Filipino Andray Blatche na nais niyang maglaro sa PBA.

“I wanna come play,” saad sa reply ni Blatch sa isang video na pinost ng PBA sa Twitter.

Si Blatche na dating NBA player ay kinuha bilang naturalized player para sa kampanya ng Gilas sa 2014 World Cup. Bukod sa 2014, kasama rin si Blatche sa lineup ng Gilas sa 2019 World Cup.

Gayunman, hindi magiging madali kay Blatche ang makalaro sa PBA.

Ang unang pagkakataon na may naturalized player na nakalaro sa PBA ay noong panahon ni Marcus Douthit, na lumaro hindi bilang local kundi bilang import ng Air21 at Blackwater.

Noong naglaro si Douthit ay unlimited ang height limit para sa mga import ngunit sa kasalukuyang Governors’ Cup ay hanggang 6’6 lang ang height ng mga import.

The post Andray Blatche takam lumaro sa PBA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/andray-blatche-takam-lumaro-sa-pba/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=andray-blatche-takam-lumaro-sa-pba)