Nagtungo ang aktres na si Angel Locsin sa isang volunteer center sa Quezon City ngayong Biyernes upang magpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Si Locsin ay aktibo sa kanyang mga humanitarian activity, na siyang naging dahilan upang makasama siya sa ‘Heroes’ of Philanthropy’ ng Forbes Asia noong 2019.

Samantala, ang pinuntahang volunteer center ng aktres ay pagmamay-ari nina Bise Presidente Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan.

Ang volunteer center ay ginawa para sa kampanya ng dalawang politiko sa 2022 ngunit dahil sa bagyong Odette ay ginawa itong disaster relief hub.

The post Angel Locsin tumulong sa mga sinalanta ni Odette first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/angel-locsin-tumulong-sa-mga-sinalanta-ni-odette/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=angel-locsin-tumulong-sa-mga-sinalanta-ni-odette)