Nawindang ang singer na si Kitchie Nadal matapos daw siyang tanungin kung ‘Medley’ ba ang apelyido ng kanyang asawa.

“May nagtanong kung ang apellido ba daw ng asawa ko ay Medley, ayst… goodnight!!!” saad sa maikling Facebook post ni Kitchie.

Umani agad ng mahigit 23,000 reaction at 13,000 share ang post ni Kitchie habang sinusulat ang balitang ito.

Kilala ang ‘Kitchie Nadal Medley’ sa mga pangunahing binibirit sa videoke machine, kung saan pinagsama-sama sa isang numero ang mga sikat na kanta ni Kitchie gaya ng ‘Wag na ‘wag mong sasabihin’, ‘Same Ground’, at ‘Bulong.’

Kaya naman gayon na lang ang hagikgik ng mga netizen dahil may nag-akala palang ‘Medley’ ang apelyido ng asawa ni Kitchie.

Ngunit ang katotohanan, ang pangalan ng asawa ng singer ay si Carlos Lopez, isang Espanyol, na kanyang pinakasalan noong 2015.

The post Apelyido ng asawa ni Kitchie Nadal inakalang ‘Medley’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/apelyido-ng-asawa-ni-kitchie-nadal-inakalang-medley/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=apelyido-ng-asawa-ni-kitchie-nadal-inakalang-medley)