Tuluyan nang nakalaya ang probinsya ng Aurora sa COVID-19 matapos na gumaling ang kaisa-isahang pasyente sa probinsya.

Ayon sa provincial government ng Aurora, gumaling na ang naiwang isang pasyente na may coronavirus nitong Martes, Disyembre 14.

Mula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon, nakapagtala na ang lalawigan ng 3,637 kabuuang kaso ng COVID-19. Hindi bababa sa 3,403 sa kanila ang gumaling mula sa sakit, habang 234 ang namatay

Samantala, bahagya namang nagluwag ang lalawigan sa mga restriction dahil sa paglaya sa COVID.

Inanunsyo ng Municipal Government of Baler sa kanilang Facebook page na ang weekend market sa town plaza ay magbubukas mula 3 p.m. hanggang 10 p.m. araw-araw.

The post Aurora wala na kaso ng Covid 19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aurora-wala-na-kaso-ng-covid-19/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=aurora-wala-na-kaso-ng-covid-19)