Pagod na umanong umangkas kay Xian Lim si Kim Chiu kaya naman inaral niya ang pagmamaneho ng automatic na motorsiklo.

Binida ni Kim sa bago niyang vlog na marunong na siyang magmotor, kung saan nag-ikot siya sa kanilang subdivision.

“Sa mga previous vlogs ko, sabi ko gusto kong matutong mag-motor kasi gusto ko samahan [sila Xian], ayaw ko lang maging angkas,” saad ng aktres.

“Dahil gusto ko sumama kila Xi kapag nagkakape sila, I’m gonna do something very exciting and adventurous. This is my first time mag-drive talaga ng motor,” dugtong pa nito.

Ayon pa sa aktres, na-enjoy niya ang pagmamaneho ng motor.

Kaya naman, sa susunod niyang vlog ay susubukan naman umano niya na sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila mag-motor.

“Sa next adventure ko, layuan naman natin, huwag lang dito sa subdivision. Ibang adventure naman kapag lumabas na tayo sa totoong daan. Sobrang na-enjoy ko, naikot ko ‘yung buong subdivision namin. For people na on the go like me, perfect talaga ang pagmo-motor. Kakaibang experience siya. Super fun.”

The post Ayaw na umangkas: Kim Chiu rider na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ayaw-na-umangkas-kim-chiu-rider-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ayaw-na-umangkas-kim-chiu-rider-na)