Lumasap ang Philippine Azkals ng 1-2 pagkatalo sa kamay ng host country na Singapore sa una nilang laban sa 2020 AFF Suzuki Cup nitong Miyerkoles.

Matapos ang pisikalan at walang iskor na first half, nakawala si Hariss Harun at naiskor ang goal sa pamamagitan ng header sa 61st minute para ibigay sa Singapore ang 1-0 na lamang.

Pagkalipas lamang ng dalawang minuto, dinagdagan ni Faris Ramli ang lamang ng Singapore sa isa pang goal, 2-0.

Nakasagot ang Azkals sa 69th minute sa goal ni Amin Nazari upang ilapit ang score sa 2-1.

Ngunit hanggang doon na lang ang kinaya ng Pinoy squad.

Sa Disyembre 11 ang susunod na laban ng Azkals laban sa Timor Leste.

The post Azkals pinaamo ng Singapore first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/azkals-pinaamo-ng-singapore/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=azkals-pinaamo-ng-singapore)