Nasawi ang isang babae sa Iloilo matapos nitong malaglagan ng kawayan dahil sa malakas na hangin ng bagyong Odette.

Pahayag ng alkalde ng Iloilo na si Mayor Jerry Treñas, agad na namatay ang isang 54 taong gulang na babae pagkatapos mahulog ang mga kawayan sa bubong ng kanyang bahay.

“The problem in Iloilo is there are a lot of electrical posts that fell down, also fallen trees along the main roads and secondary roads,” saad nito sa ANC Rundown.

Aniya, ngayon lang umano nito naranasan ang sobrang lakas na ulan sa loob ng 35 taon niyang panunungkulan.

“Starting about 12 midnight, there was very, very strong winds and never in my 65 years and in my 30 years of public service have I experienced this very strong wind,” salaysay nito.

“Most of the damage are in the private houses because their roof fell. Some of the houses were destroyed because of fallen trees. There are a lot of old trees here in Iloilo,” dagdag pa ni Treñas.

Nanawagan din ito ng tulong sa mga tao na alisin ang mga nagtumbahang puno sa kalsada.

Samantala, ayon sa datos ng lokal na pamahalaan sa lugar, 4,586 na indibidwal mula sa 32 barangay ang lumikas sa 63 evacuation site.

The post Babae patay matapos mabagsakan kawayan sa ulo dahil sa bagyong Odette first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/babae-patay-matapos-mabagsakan-kawayan-sa-ulo-dahil-sa-bagyong-odette1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=babae-patay-matapos-mabagsakan-kawayan-sa-ulo-dahil-sa-bagyong-odette1)