Bilang regalo sa kanilang mga taga-hanga ngayong panahon ng kapaskuhan ay ilalabas ng Parokya ni Edgar ang bago nilang album na pinamagatang ‘Borbolen’ sa Biyernes.

Kwento ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda, ilan sa mga awiting nasa album ay sinulat niya ilang taon na ang nakakaraan habang ang iba ay kanyang nilikha noong kasagsagan ng pandemya.

“‘Yung ibang kanta dito, sinimulan ko right after namin ilabas ‘yung ‘Pogi Years Old’ five years ago. Yung iba, sinulat at ni-record namin during the pandemic and was recorded and mixed via email and Google Drive… Kumbaga pasahan lang ng files. ‘Yung isang kanta, kasama dapat sa ‘Bigotilyo’ pero di pinayagan… pero ngayon, nilabas na rin namin,” wika ni Chito sa kanyang social media post.

“Sari-saring kanta, at iba’t-ibang panahon nabuo… pero lahat bago,” aniya.

Para naman sa pamagat na ‘Borbolen,’ sinabi ni Chito na ito ang komento ng isang netizen sa kanyang social media post kung saan nagtanong siya kung ano ang pwedeng itawag sa mga malokong kaibigan.

Salitang Kapampangan ang ‘Borbolen.’ (mjd)

https://www.instagram.com/p/CXOG_i3pqcc/?fbclid=IwAR16J-vERU8SNiuWbkBm1ncW4TiisO1BYG9pXnf7351W445S-ryx3vEhg2g

The post Bagong album ilalabas ng Parokya ni Edgar first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagong-album-ilalabas-ng-parokya-ni-edgar/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagong-album-ilalabas-ng-parokya-ni-edgar)