Malalaman sa susunod na dalawang linggo kung gaano kabagsik ang Omicron COVID variant na kumakalat ngayon sa 38 bansa.

Ito ang inihayag ni Dr. Ted Herbosa , special medical adviser ng National Task Force Against COVID-19, bilang sagot sa mga tanong kung bakit wala pang naiuulat na mga namatay sa bagong virus na unang natukoy sa South Africa.

Ayon kay Herbosa, malalaman ang death rate sa Omicron pagkatapos ng dalawang linggo gaya ng naging karanasan sa Delta COVID variant.

“Yung death rate malalaman natin yan in a couple of week kasi ang death nangyayari yan, may lag yan mga two weeks kasi may-ICU pa yung pasyente, magsi-serious tapos saka pa lang mamamatay. Parang yung Delta, nung umpisa walang patay pero nung after several weeks biglang nagbibilang tayo ng mga namamatay,” ani Herbosa.

Hindi aniya dapat magkampante sa Omicron variant dahil napakabilis ang pagkalat nito patunay ang 38 bansa na tinamaan na matapos lamang ang halos dalawang linggo matapos itong maireport .

“Hindi masyadong nirereport yung totoong case fatality rate nitong Omicron. Although sinasabi, mabilis kumalat nasa 38 na bansa na yung Omicron, so ambilis niya kasi a couple of week lang ago nireport yan eh, and then dumami na kaagad. Talagang nakakahawa siya gaya ng Delta,” dagdag ni Herbosa.

Posible aniyang hindi na naging open ang South Africa sa kanilang mga impormasyon matapos mag-over react ang maraming mga bansa na nagpatupad ng travel ban gayong 38 na mga bansa ang tinamaan na ng Omicron virus.

“Palagay ko hindi na sila as open dahil masyadong nag-over react ang maraming bansa gayong hindi lang naman sila ang bansang may Omicron. 38 na
bansa na ngayon ang may Omicron,” wika ni Herbosa. (Aileen Taliping)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Bagsik ng Omicron malalaman sa susunod na 2 linggo – Herbosa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagsik-ng-omicron-malalaman-sa-susunod-na-2-linggo-herbosa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagsik-ng-omicron-malalaman-sa-susunod-na-2-linggo-herbosa)