Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na magkakaroon ng pagkaantala sa suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Maynila at Quezon City sa Martes at Miyerkoles.

Ayon sa Meralco, ang ilan nilang pasilidad ay kailangang ilipat ng pwesto para sa paggawa sa NLEX-SLEX connector road sa Sampaloc, Manila, na siyang magdudulot ng pagkawala ng suplay ng kuryente.

Tinatayang mula alas-11:30 ng gabi hanggang alas-11:59 ng gabi sa Martes at mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-5:30 ng umaga sa Miyerkoles ang brownout sa ilang bahagi ng Maynila at Quezon City, ayon sa Meralco. (mjd)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Bahagi ng QC, Maynila, makakaranas brownout first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bahagi-ng-qc-maynila-makakaranas-brownout/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bahagi-ng-qc-maynila-makakaranas-brownout)