Inaprubahan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament nitong Martes ang budget ng rehiyon para sa 2022 na nagkakahalaga ng P79.86 bilyon.

Ang naturang budget ay mas malaki kumpara sa P75.60 bilyon na 2021 budget ng Bangsamoro government.

Inaprubahan ito ng parlamento sa botong 59-0-0.

Ayon kay Atty. Ubaida Pacasem, deputy minister ng Ministry of Finance, Budget, and Management (MFBM), gagamitin ang budget upang makabangon ang ekonomiya ng Bangsamoro region mula sa epekto ng pandemya.

Pinakamalaki ang budget ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education na nagkakahalaga ng P24.7 bilyon, na sinundan ng Ministry of Public Works with P16.3 billion at ng Office of the Chief Minister na may P8 bilyon budget.

Ang Ministry of Health naman ay pinondohan ng P4.6 bilyon. (mjd)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Bangsamoro gov’t inaprub P79B 2022 budget first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bangsamoro-govt-inaprub-p79b-2022-budget/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bangsamoro-govt-inaprub-p79b-2022-budget)