Napagdesisyunan umano ng Inter-Agency Task Force (IATF) na huwag munang dagdagan ang mga bansa na nasa red list ng Pilipinas o yaong mga sakop ng travel ban, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa kasalukuyan 14 bansa mula timog ng Africa at Europa ang nasa red list ng Pilipinas, bunsod ng pagkakadiskubre ng Omicron variant ng COVID sa mga naturang lugar.

Ngunit ani Vergeire, ‘di muna dadagdagan ang mga bansa sa red list.

“Unang-una, hindi ho natin pwedeng isara ang Pilipinas from the rest of the world. So, ‘yan po ‘yung prinsipyong pinanghahawakan ng Inter-Agency Task Force kaya ang ating mga eksperto nag-rekomenda na lang po ng mga protocols, stricter than before, so that at least we can ensure that we can still guard our borders kasi alam naman po natin na talagang kakalat at pupunta sa iba’t ibang bansa ang variant na ito. It is not really a matter of not having it inside our country, but when will it enter the country,” wika ni Vergeire sa panayam ng TeleRadyo ngayong Martes.

Sa halip umano na magdagdag nang magdagdag ng bansa sa travel ban, dapat umanong paigtingin ang border control sa Pilipinas upang masigurong ‘di makakalusot ang Omicron variant.

“So, napagkasunduan po sa IATF na hindi muna po natin dadagdagan dahil padagdag na nang padagdag ang mga bansa. Ang gagawin natin mas i-intensify natin ang ating ginagawang controls sa ating borders,” aniya. (mjd)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Bansang nasa ‘red list’ ng ‘Pinas ‘di muna dadagdagan – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bansang-nasa-red-list-ng-pinas-di-muna-dadagdagan-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bansang-nasa-red-list-ng-pinas-di-muna-dadagdagan-doh)