Inaprubahan ng Games and Amusements Board (GAB) ang pagkilala sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) bilang isang professional league nitong Huwebes.

“Madami nagsasabi na masarap sa pakiramdam na magpropro na kami. Maraming nananaginip na maging professional players at makakamit na nila ito sa MPBL,” wika ni GAB Chairman Abraham Mitra.

Itinatag ang MPBL noong 2017 bilang amateur league.

“Over the last two years, the players have been praying for the league to resume,” wika naman ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes. “During those two years, the league had time to reassess our direction. Through perseverance and patience, nandito na tayo. We are back with the help of our partner Chooks-to-Go and the guidance of GAB.”

Kaya naman, ang mga manlalaro ng liga ay magkakaroon ng na rin ng lisensya mula sa GAB.

Magbabalik-aksyon ang MPBL sa kanilang invitational tournament na magsisimula sa Sabado, Disyembre 11.

Ibibida rin ng liga ang mas pinatibay nilang partnership sa Chooks-to-Go.

The post Banta sa PBA? MPBL isa nang pro league first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/banta-sa-pba-mpbl-isa-nang-pro-league/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=banta-sa-pba-mpbl-isa-nang-pro-league)