Ginawang ospital ng Philippine Navy ang presidential ship na BRP Ang Pangulo upang umalalay sa mga biktima ng bagyong Odette sa Mindanao.

Ayon sa ulat, nitong Linggo ay umalis sa Maynila ang barko at nakatakdang dumaong sa Siargao Island.

Bukod sa paggamit nito bilang pagamutan, dala rin ng BRP Ang Pangulo ang relief goods na mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“This effort demonstrates the usefulness and versatility of Philippine Navy assets to provide wide-ranging services for those needing them the most during calamities,” saad sa pahayag ng Navy.

“It also highlights the Navy’s ongoing efforts to assist other government agencies in responding to our fellow Filipinos being affected by the onslaught of Typhoon Odette,” dagdag pa nito.

Pinangangambahang daan-daan ang nasugatan dahil sa pananalasa ng naturang bagyo.

The post Barko ginawang ospital para sa biktima ni Odette first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/barko-ginawang-ospital-para-sa-biktima-ni-odette/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=barko-ginawang-ospital-para-sa-biktima-ni-odette)