Naghain ng resolusyon ang mga kinatawan ng Bayan Muna sa Kamara de Representantes at hiniling kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng P10,000 gratuity pay ang mga hindi regular na empleyado ng gobyerno.

Sa House Resolution 2391, sinabi nina Representatives Ferdinand Gaite, Carlos Isagani Zarate, at Eufemia Cullamat na umaabot sa 582,378 ang bilang ng mga job orders (JO) at contract of service (COS) workers sa gobyerno.

Hindi gaya ng mga regular na empleyado ng gobyerno ang mga JO at COS ay walang Mid-Year bonus at Year-End bonus.

“Most JOs and COS workers perform the functions of regular employees and fill up the gaps in the severe inadequacy or lack of personnel in many agencies,” sabi sa resolusyon.

Sinabi ng mga mambabatas na malaking tulong sa mga JO at COS kung mabibigyan ang mga ito ng gratuity pay ngayong may pandemya at mataas ang presyo ng pangunahing bilihin.

“Whereas, while regularizing the JO and COS workers would be the best Christmas gift, granting Gratuity Pay during this time of pandemic and high inflation rate is the very least the government can provide to show their appreciation to the services of JO and COS workers,” sabi pa sa resolusyon. (Billy Begas)

The post Bayan Muna: Mga JO, COS bigyan ng P10K gratuity pay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bayan-muna-mga-jo-cos-bigyan-ng-p10k-gratuity-pay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bayan-muna-mga-jo-cos-bigyan-ng-p10k-gratuity-pay)