Nangningning si Philippine bet Beatrice Luigi Gomez sa 70th Miss Universe preliminaries sa Eilat, Israel nitong Sabado.

Bago ang grand coronation, nagkabugan ang 80 kandidata sa swimsuit at evening gown competition.

Pamatay ang alindog ni Gomez sa inirampang red evening gown na likha ni Filipino designer Francis Libiran at pink swimwear.

Sa swimsuit competition, ipinakilala ang Cebuana beauty queen bilang proud bisexual.

Napa-wow din ang audience sa inirampa niyang national costume na inspired ng Bakunawa, isang moon eating dragon sa Philippine mythology o Golden Lunar Dragon. Dinisenyo ito nina Axel Que at Manny Halasan.

https://www.instagram.com/p/CXUe1lWhxr1/

(IS)

The post Bea Gomez pasiklab sa ‘Bakunawa’ costume first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bea-gomez-pasiklab-sa-bakunawa-costume/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bea-gomez-pasiklab-sa-bakunawa-costume)