Napasama ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 na si Beatrice Gomez sa unang top 10 hot picks ng Missosology sa taong ito ng pageant.

Sa Facebook post, naglabas ang leading beauty pageant website ng kanilang unang prediction para sa nalalapit na pageant at pinangalanan si Beatrice bilang 8th pick sa posibleng manalo ng prestihiyosong korona.

Nanguna sa listahan si Nadia Ferreira ng Paraguay.

Lumanding sa top 5 sina Valeria Ayos (Colombia), Harnaaz Sandhu (India), Sarah Loinaz (Spain) at Luiseth Materan ng Venezuela.

https://www.facebook.com/missosology/posts/5284471218235766

(IS)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Beatrice Gomez kabilang sa pinaka-hot candidate sa Miss U first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/beatrice-gomez-kabilang-sa-pinaka-hot-candidate-sa-miss-u/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=beatrice-gomez-kabilang-sa-pinaka-hot-candidate-sa-miss-u)