Tuloy ang laban para sa pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 na si Beatrice Luigi Gomez matapos siyang makapasok sa Top 16 ng pageant ngayong Lunes sa Israel.

Pinakaba ni Gomez ang madla dahil pang-14 siyang tinawag sa pag-anunsyo ng Top 16.

Kaya naman, tuloy ang laban para sa Pinay na sunod namang sasabak sa swimsuit competition.

Kasama ni Gomez sa Top 16 ang mga pambato ng: France, Colombia, Singapore, Panama, Puerto Rico, Bahamas, Japan, Great Britain, USA, India, Vietnam, Aruba, Paraguay, Venezuela at South Africa. (mjd)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

The post Beatrice Gomez swak sa Top 16 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/beatrice-gomez-swak-sa-top-16/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=beatrice-gomez-swak-sa-top-16)