Nilinaw ni Bela Padilla na hindi lamang ang kanyang dyowa ang kanyang pakay kaya niya napag-pasyahang tumira sa London, United Kingdom.

Sa kanyang vlog, pinaliwanag ni Bela na bagamat mas madali para sa kanila ng kanyang boyfriend na si Norman Bay na magkita sa London, hindi lang ito ang dahilan niya sa desisyon tumira sa naturang lungsod.

“I didn’t move just to be with Norman although it does make it so much easier to be in London. At least now we are quite close to each other and he’s here a lot. I go to Switzerland a lot. It’s definitely a big jump and a lot easier. But I did not move here specifically for that,” saad ni Bela.

“There are many reasons why I moved here. One of them is because I feel like the world stopped during pandemic and I have been looking for something new to do in my life. I feel like at this point, I will be more productive here. It just makes more sense for me to live here,” aniya.

Ang kasintahan ni Bela na si Norman ay taga-Switzerland. Ilang buwan na ang nakakalipas mula nang tumira ang aktres sa London, kung saan siya ay may kamag-anak dahil Briton ang kanyang ama.

Gayunman, hindi pa masabi ng aktres kung permanente na ang kanyang paninirahan sa London.

“I am a free spirit. I like traveling and going to different places. My mom is still based in the Philippines, my dad is in Thailand, Norman lives in Switzerland. I am currently here. There are so many places I could be. So I can’t say if I’m gonna settle here for good but it wouldn’t be a bad thing if I do,” wika pa ni Bela.

The post Bela Padilla may iba pang pakay sa London first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bela-padilla-may-iba-pang-pakay-sa-london/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bela-padilla-may-iba-pang-pakay-sa-london)