Ibinunyag ng Spotify Philippines ang mga pinakapaboritong artist at awitin ng mga Pilipino na pakinggan sa naturang app ngayong 2021.

Sa kanilang programang pinamagatang ‘Wrapped,’ nilabas ng Spotify ang mga most-streamed artist at most-streamed song sa kanilang app mula sa kanilang mga Pinoy listener.

Dito ay lumabas na ang Ben&Ben ang pinaka-napakinggang Pinoy artist sa Spotify para sa 2021.

Sinundan ito nina Moira Dela Torre, Skusta Clee, Zack Tabudlo at Arthur Neri.

Samantala, ang kanta namang ‘Binibini’ ni Zack Tabudlo ang pinaka-pinapakinggang kanta sa Spotify.

Sinundan ito ng mga awiting banyaga gaya ng ‘Butter’ ng BTS, ‘Driver’s license’ ni Olivia Rodrigo, ‘At My Worst’ ni Pink Sweat$ at ‘Leave the Door Open’ ni Bruno Mars.

Pagdating naman sa lahat ng artist, ang pinaka pinakinggan ng mga Pinoy sa Spotify ngayong taon ay ang BTS, sinundan ni Taylor Swift, Justin Bieber, Ben&Ben at Ariana Grande. (mjd)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Ben&Ben paboritong Pinoy artist sa Spotify first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/benben-paboritong-pinoy-artist-sa-spotify/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=benben-paboritong-pinoy-artist-sa-spotify)