Nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa gobyerno na ibigay na ang mga benepisyo ng mga empleyado sa sektor ng edukasyon lalo na sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Odette.

Ayon kay ACT Secretary General Raymond Basilio dapat ay ipag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng Service Recognition Incentive 2021 (SRI 2021) na nagkakahalaga ng P10,000 at ibibigay sa lahat ng empleyado ng gobyerno at ang 2020 Performance-based Bonus (PBB 2020) ng mga empleyado ng Department of Education (DepEd).

“The slow and dismal government response to the victims of typhoon Odette brings more gloom to lives of our people at this otherwise joyous time. Aid is urgently needed and the least Pres. Duterte can do for teachers and education support personnel is to direct the release of benefits that already have fund sources,” sabi ni Basilio.

Ayon kay Basilio hindi na inilalabas ni Duterte ang administrative order para sa pagbibigay ng SRI na mula sa savings ng mga ahensya.

Ang PBB 2020 ay hindi pa naibibigay dahil hindi pa tapos ang pagrepaso ng AO 25 Task Force sa performance ng mga ahensya.

“Everyday that the government fails to respond to the needs of our people, they suffer from lack of shelter, food and drinking water. It is downright unacceptable that this government is not mobilizing enough to swiftly get aid through to those who need them the most,” dagdag pa ni Basilio.

Kinondena rin ni Basilio ang naging pahayag ni Duterte na wala ng pondo ang gobyerno kaya ang gagamitin na lamang ay ang budget ng kanyang opisina.

The post Benepisyo ng education worker ibigay na – ACT first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/benepisyo-ng-education-worker-ibigay-na-act/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=benepisyo-ng-education-worker-ibigay-na-act)