Inamin ni American singer Billie Eilish na hindi naging maganda ang epekto sa kanya ng panonood ng porn mula ng siya ay 11-anyos pa lamang.

Si Eilish ay tinanong sa isang panayam ng kanyang pananaw sa porn dahil binanggit ito sa isa niyang kanta na pinamagatang ‘Male Fantasy.’

Ngunit ‘di gaya ng mga kalalakihan na nakakakuha ng kasiyahan sa mga naturang panoorin, hindi naging maganda ang karanasan ni Eilish.

“I didn’t understand why that was a bad thing – I thought it was how you learned how to have sex,” kwento ni Eilish sa panayam.

“I was an advocate and I thought I was one of the guys and would talk about it and think I was really cool for not having a problem with it and not seeing why it was bad,” dugtong pa niya.

Sa gitna umano ng kanyang adiksyon sa porn, nakaranas siya ng bangungot at inilarawan niya na sinira umano nito ang kanyang pag-iisip.

Ngayon, tinitingnan ni Eilish ang porn bilang nakakadiri, bayolente, at puno ng pang-aabuso.

The post Billie Eilish binangungot dahil sa porn first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/billie-eilish-binangungot-dahil-sa-porn/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=billie-eilish-binangungot-dahil-sa-porn)