Nabastusan ang mga netizen matapos na babuyin sa pelikulang “Pornstar 2: Pangalawang putok” ang pambansang awit ng Pilipinas.

Batay sa ibinahaging screenshot ng CinemaBravo, mababasa ang linya ng mga aktres kung saan inawit ng mga ito ang Lupang Hinirang at hinaluaan ng kabastusan ang lyrics ng pambansang awit.


Hindi naman maiwasan ng mga netizen na madismaya dahil umano hindi na iginalang ng mga ito ang kanta.

Nag-comment ang isang netizen at sinabing: “Mahilig din naman ako sa kalokohan at memes pero hindi sa ganitong paraan binastos niyo ang national anthem. Calling the attention of National Historical Commission of the Philippines MGA WALA KAYONG RESPETO!!!”

“Di dapat binastos ang national anthem. Wag idamay kalibugan muset,” ani naman ng isa pang nag-comment.

“The director should be punished/sue and even those people who are included regarding this matter. Disrespecting the national anthem is way too much, disrespecting our own national anthem is like disrespecting the whole country or the people/ nationality, shame on y’all. You cant be a filipino citizen if you can disrespect your own country,” saad ng isa pa.

Ang “Pornstar 2: Pangalawang putok” ay sinulat at idinirek ni Darryl Yap. (Sherrylou Nemis)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Binaboy, binastos pambansang awit! ‘Pornstar 2’ inulan ng batikos first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/binaboy-binastos-pambansang-awit-pornstar-2-inulan-ng-batikos/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=binaboy-binastos-pambansang-awit-pornstar-2-inulan-ng-batikos)