Kinumpiska ang mga binebentang iligal na paputok sa Divisoria nitong Sabado, Disyembre 12.

Sinabi ng commander ng Juan Luna police community precint na si Police Major Kherwin Evangelista sa panayam sa 24 Oras, araw-araw nag-iikot ang mga kapulisan sa Divisoria.

Dagdag pa nito, naka-civilian umano ang mga ito upang mas makahuli ng mga nagbebenta ng iligal na paputok.

“Kinukumpiska po natin ‘yan. Araw-araw naman nating iniikutan ‘yan. Naka-civilian po ang gamit natin para makahuli,” ani Evangelista.

Kamakailan lang, naglabas ng Operational Guidelines ang PNP na nagbabawal sa paggamit at pagbebenta ng paputok para matiyak ang mas ligtas at mapayapang pagdiriwang ng Pasko.

“The PNP will make sure that the provisions on regulating, manufacturing and distributing firecrackers will be strictly implemented based on Executive Order No. 28 that provides for the Regulation and Control of the Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices,” pahayag ni PNP Police Gen. Dionardo Carlos.

The post Binebentang mga paputok sa Divisoria kinumpiska ng PNP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/binebentang-mga-paputok-sa-divisoria-kinumpiska-ng-pnp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=binebentang-mga-paputok-sa-divisoria-kinumpiska-ng-pnp)