Pinatunayan ng Philippine team na Blacklist International na isa sila sa team to beat sa Mobile Legends: M3 World Championships matapos tapusin ang group stages sa malinis na 3-0 kartada nitong Lunes sa Singapore.

Halos ‘di pinagpawisan ang Blacklist sa una nilang kalaban, ang Brazilian champion na Red Canids.

Nagawa ng Philippine squad ang lahat ng kanilang naisin sa mapa, kung saan ‘di man lang nakakuha ng kahit anong objective at nakabasag ng tore ang mga Brazilian.

Sa pangalawang laro laban sa Turkish representative na Bedel ay naging maalat ang simula ng Blacklist dahil sa unorthodox pick na Fanny ng mga kalaban.

Gayunman, sinalba sila ng Beatrix ni Kiel ‘Oheb’ Soriano na nakapagtala ng ‘maniac’ na siyang nagbaliktad ng laban.

Sa ikatlo at huli nilang laro sa group stages, walang kahirap-hirap na nilampaso ng Blacklist ang Malvidas Gaming mula sa Argentina.

Kaya naman, sigurado na ang upper bracket slot sa playoffs para sa koponan. (mjd)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Blacklist International winalis Group A first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/blacklist-international-winalis-group-a/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=blacklist-international-winalis-group-a)