Inialay ng Pinoy Mobile Legends squad na Blacklist International ang kanilang kampeonato sa M3 World Championships sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Bilang patunay, inanunsyo ng kanilang coach na si Kristoffer “Bon Chan” Ricaplaza na magdo-donate sila ng parte ng kanilang napanalunan para sa mga nasalanta ng bagyo.

Sa pagkakampeon nila sa M3, iuuwi ng Blacklist ang $300,000 o P15 milyon.

“So as a help for them, a portion of our prize will be donated to them,” pahayag ni Bon Chan sa awarding ceremony ng M3 kahapon.

Dinaig ng Blacklist ang 15 pang koponan sa iba’t-ibang panig ng mundo para tanghaling pinakamalakas na koponan sa Mobile Legends.

Bukod pa rito, ang kapwa Pinoy squad na ONIC PH ang kanilang nakaharap sa finals.

Ang Blacklist ay pagmamay-ari ng Tier One Entertainment ni Alodia Gosiengfiao.

The post Blacklist may balato sa mga biktima ni Odette first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/blacklist-may-balato-sa-mga-biktima-ni-odette/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=blacklist-may-balato-sa-mga-biktima-ni-odette)