Hiniling ni Bohol Gov. Arthur Yap ngayong Miyerkoles sa pamahalaan na magbukas ng emergency credit line upang makatulong sa muling pagbangon ng mga lalawigan na lubhang nasalanta ng bagyong Odette.

Ito ang hirit ni Yap sa panayam ng ANC, dahil nagastos na umano ng lalawigan ang huling P30 milyon sa kanilang budget.

“Kung alam naming LGUs how much we’re going to get, since DOF controls DBP and Landbank, hindi ba pwede signalan ang DBP and Landbank na releasan kami ng emergency credit line ngayon so we can start construction efforts?” wika ni Yap.

“I can see the fear eh, everybody’s so afraid to move kasi baka ma-COA, mademanda, makasuhan,” dagdag pa ng gobernador.

Ayon pa kay Yap, kung hindi agad mailalabas ang kaukulang pondo para pang tulong sa mga nasalanta ay maaaring magdulot ito ng mga mas malala pang insidente, gaya ng looting o pagnanakaw.

“If we cannot really give this assistance at this point in time, more untoward incidents may follow,” ayon pa sa gobernador.

The post Bohol governor humirit ng pautang mula sa gobyerno first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bohol-governor-humirit-ng-pautang-mula-sa-gobyerno/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bohol-governor-humirit-ng-pautang-mula-sa-gobyerno)