Isinailalim sa state of calamity ang probinsya ng Bohol nitong Biyernes dahil sa hagupit ng bagyong Odette.

Inilabas ni Gov. Arthur Yap ang Executive Order No. 65 upang ipatupad ang state of calamity.

Nakasaad sa EO na hindi mabilang ang mga pamilya sa lalawigan na nawalan ng tirahan dahil sa bagyo.

Bukod sa kabahayan, sinira rin ni Odette ang mga gusali, establisyimento at mga imprastraktura sa Bohol. Nawalan din ng kuryente ang halos kabuuan ng lalawigan.

Nitong Biyernes din ay inilarawan ni Yap na maikukumpara sa bagyong Yolanda ang lakas ni Odette.

Ngayong Sabado ay ganap nang nakalabas ng bansa si Odette, bagamat nakabakat pa rin ang pinsalang iniwan nito sa Bohol at iba pang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao.

The post Bohol wasak kay Odette, state of calamity idineklara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bohol-wasak-kay-odette-state-of-calamity-idineklara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bohol-wasak-kay-odette-state-of-calamity-idineklara)