Matapos magpositibo sa COVID si Lisa ng Blackpink, panibagong K-pop star ang tinamaan ng coronavirus.

Inanunsyo ng BIGHIT Music na na-test na positibo ang miyembro ng BTS na si Suga.

Sumailalim si Suga sa PCR test nang makabalik mula sa US noong Huwebes, kung saan positibo ang naging resulta nito.

Naka-home quarantine na si Suga at walang anumang sintomas ng sakit.

Dagdag ng kompanya, hindi nagka-contact si Suga sa iba pang BTS member.

Fully vaccinated na rin daw si Suga at nag-negative naman sa COVID bago tumuntong sa Amerika.

The post BTS member sapol ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bts-member-sapol-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bts-member-sapol-ng-covid)