Makikita talaga ang kasikatan ng South Korean boyband na BTS matapos maisali ang isa nilang miyembro sa Guinness World Records.

Itinanghal si V ng BTS na may pinakamabilis umani ng followers sa Instagram na may bilang na 1 milyon sa loob lamang ng 43 minuto.

At siya rin ang may pinakamabilis umani ng 10 milyon na Instagram followers sa loob lamang ng 4 na oras at 52 minuto.

“Nothing to see here, just V breaking records for the fastest time to hit one million AND ten million followers on Instagram. @BTS_twt @bts_bighit,” caption ng Guinness World Records sa kanilang Twitter post.

Kamakailan lang, hindi lang si V ang nagbukas ng sariling Instagram account kundi pati na rin ang lahat ng mga miyembro ng BTS — kabilang sina RM, Jin, SUGA, J-Hope, Jimin, at Jungkook. (Sherrylou Nemis)

The post BTS V umani dalawang world record sa paggawa Instagram first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bts-v-umani-dalawang-world-record-sa-paggawa-instagram/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bts-v-umani-dalawang-world-record-sa-paggawa-instagram)