Umabot na sa 13 ang patay habang dose-dosena pa ang sugatan nang sumabog ang bulkan sa Java Island, Indonesia nitong Sabado.
Sa BBC report, nakunan pa ng litrato at video ang mga tao habang tumatakbo patakas sa higanteng ulap ng abo mula sa Mt. Semeru.
Makikita ring nalibing ng abo hanggang bubungan ang mga bahay.
Hindi bababa sa 11 nayon sa Lumajang district ang nabalutan ng abo at napilitan ang mga evacuee na sumilong sa mga mosque at makeshift shelter.
16.50
BPBD Provinsi Jatim dan BPBD Lumajang telah menuju lokasi untuk melakukan assesment dan evakuasi warga di sekitar Gunung Semeru. Silahkan mention jika ada yang dilokasi@PRB_BNPB pic.twitter.com/DYj8qIW23u— jogjaupdate.com (@JogjaUpdate) December 4, 2021
Ayon sa ulat, nasa 57 katao ang sugatan, karamihan ay dumanas ng matinding paso dulot ng pagsabog ng bulkan na nagsimula umano lagpas alas-dos ng hapon.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bulkan-sa-indonesia-sumabog-13-patay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bulkan-sa-indonesia-sumabog-13-patay)
0 Mga Komento