Ibinaba na sa Alert Level 2 ang buong Pilipinas simula ngayong Diyembre 3.

Ito ay matapos na alisin ng gobyerno ang lalawigan ng Apayao mula sa Alert Level 3.

Sinabi ni acting Palace spokesman Karlo Nograles, bumaba ang alert level ng Apayao matapos na baguhin ang mga sukatan sa pagtukoy ng alert level classification ng mga probinsya, highly urbanized na lungsod at independent component cities.

Dagdag ni Nograles, ang mga lugar sa ilalim ng Alert Level 2 ay tataas sa Alert Level 3 kung ang case classification at kabuuang COVID-19 bed utilization ay nasa moderate, high hanggang critical risk.

Samantala, pinag-iingat pa rin ng NTF ang publiko dahil maari pa ring itaas ang alert level kapag nakapasok na ang bagong COVID-19 variant na Omicron. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post Buong ‘Pinas sasailalim sa Alert Level 2 – Nograles first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/buong-pinas-sasailalim-sa-alert-level-2-nograles/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=buong-pinas-sasailalim-sa-alert-level-2-nograles)