Sinita ni House Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang Commission on Higher Education (CHED) sa polisiya nito kung saan ang mga bakunado lamang na estudyante at guro ang maaaring mag-face-to-face classes.

Sa tingin ni Castro ay lumalabag ang polisiya sa probisyon ng Konstitusyon kaugnay ng kalayaang mag-aral at mamili.

“It is discriminatory to only allow those fully vaccinated join face-to-face classes when there is also limited access o vaccines,” sabi ni Castro.

Punto ni Castro mismong ang Department of Health (DOH) Vaccine tracker ang nagpapakita na tanging 38.8 milyong Pilipino pa lamang ang fully vaccinated hanggang noong Disyembre 1.

“By imposing this policy, the CHED is limiting thousands, if not millions of students’ access to quality education,” wika pa ng lady solon.

Ang dapat umanong gawin ng CHED ay tiyakin na ang mga eskuwelahan ay makasusunod sa minimum health standard kapag pumasok ang mga estudyante at hindi ang mga estudyante ang piliting magpabakuna.

“Face-to-face classes are still the ideal to ensure that the students are really learning what the teachers are teaching them. In the two years of blended distance learning, we do not need more policies that limit our youth from accessing quality education,” dagdag pa ni Castro. (Billy Begas)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post CHED sinita sa ‘no vaccine, no face-to-face classes’ policy first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ched-sinita-sa-no-vaccine-no-face-to-face-classes-policy/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ched-sinita-sa-no-vaccine-no-face-to-face-classes-policy)