Ang mga kumpanyang nag-ooperate sa Taguig City ay kinakailangang kumuha ng permit bago magdaos ng kani-kanilang Christmas party.

Ayon sa Advisory 60 na inilabas ng Taguig Safe City Task Force, ito ay nagsisilbing guidelines para sa “certain activities” at negosyo sa panahon ng holiday sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa Taguig.

Sakop ng mga alituntunin ang mga bazaar, party, religion gatherings at fireworks display.

Dagdag pa riyan, kinakailangan magsumite ng event plan ang mga bazaar at establisyimento na magsasagawa ng mga aktibidad sa holiday sa Safe City Task Force.

“Application must be done at least seven days before the event. Anything less than 7 days will be considered as rush application and does not guarantee priority evaluation and approval,” pahayag ng Safe City Task Force.

The post Christmas party kailagan may permit sa Taguig first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/christmas-party-kailagan-may-permit-sa-taguig/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=christmas-party-kailagan-may-permit-sa-taguig)