Nang dahil sa isang Christmas party, pinangangambahang 60 katao sa bansang Norway ang nahawa ng Omicron variant.

Ayon sa ulat, 120 ang dumalo sa Christmas party ng isang kompanya.

May tanggapan din umano ang naturang kompanya sa South Africa kung saan nadiskubre ang Omicron variant.

Ang masama pa nito, galing South Africa ang isa sa mga dumalo sa party.

“This party has been a superspreader event,” pahayag ni Preben Aavitsland ng Norwegian Institute of Public Health.

“Our working hypothesis is that at least half of the 120 participants were infected with the Omicron variant during the party. This makes this, for now, the largest Omicron outbreak outside South Africa,” dagdag pa niya.

Bago pa magsimula ang party, bakunado na ang lahat ng bisita at negatibo naman sa swab test.

Ngunit matapos ang kasiyahan, 50 ang nagpositibo sa COVID, kung saan 13 ang kaso ng Omicron variant.

“None of the patients has severe symptoms; none is hospitalised. However, this is not unexpected given the young age of the participants,” saad pa ni Aavitsland. (mjd)

The post Christmas party sa Norway naging super-spreader ng Omicron variant first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/christmas-party-sa-norway-naging-super-spreader-ng-omicron-variant/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=christmas-party-sa-norway-naging-super-spreader-ng-omicron-variant)