Binigyan ng go signal ng Commission on Higher Education (CHED) ngayong Lunes ang mga varsity team ng mga kolehiyo at pamantasan para muling makapag-training ng personal.

Ito ay dahil na rin sa naisin ng NCAA Philippines at UAAP na idaos ang kanilang season nang maayos sa susunod na taon.

“UAAP and NCAA schools have been allowed to conduct collegiate athletic training,” wika ni CHED chairman Prospero de Vera.

Gayunman, ang mga student-athlete na kumpleto na ang bakuna kontra COVID lamang ang papayagang makabalik sa training.

Nahinto ang mga tournament ng UAAP at NCAA mula nang pumutok ang pandemya, bagamat sinubukan ng huli na idaos ang nakaraang season sa pamamagitan ng mga virtual event. (mjd)

Abantelliling with Ritz Azul

The post College varsity pwede na mag-training – CHED first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/college-varsity-pwede-na-mag-training-ched/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=college-varsity-pwede-na-mag-training-ched)