Bilang paraan ng pag-endorso sa susunod niyang proyekto, pabirong sinabi ni Janno Gibbs sa publiko na tigilan na ang panonood ng bold at sa halip ay comedy na palabas ang tangkilikin.

Ito ang biro ni Janno sa online presscon ng bago niyang pelikula na ‘Mang Jose,’ na ipapalabas sa Vivamax.

“Mahahalata niyo po na binigyan namin ng puso itong Mang Jose at saka sa subscribers ng Vivamax. Pasko na po, tigilan niyo na iyang bold. Comedy muna, saka action. Mahiya naman kayo sa mga anak niyo!” biro ng aktor sa naturang presscon.

“Binuhusan po namin ng pagmamahal mula sa production hanggang sa mga artista at makikita niyo po ‘yon,” dagdag pa ni Janno.

Ilan sa mga makakasama ng aktor sa naturang pelikula ang asawang si Bing Loyzaga at dating ka-loveteam na si Manilyn Reynes.

The post Comedy na lang! Panonood ng bold tigilan na – Janno Gibbs first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/comedy-na-lang-panonood-ng-bold-tigilan-na-janno-gibbs/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=comedy-na-lang-panonood-ng-bold-tigilan-na-janno-gibbs)