Nag-abiso ang Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes sa mga kakandidato sa eleksyon na magbantay sa mga indibidwal na magpapakilalang opisyal ng Comelec at mangangako ng siguradong tagumpay sa 2022 elections kapalit ang pera.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, mula nang maging automated ang halalan sa bansa noong 2010 ay nagsimula na rin ang ganitong modus.

“These supposed Comelec service providers claim that the election system can be bought. This is false. This is not possible,” ani Jimenez.

“For those who did not win [despite paying for their services] gets a refund. They claim that they can make things happen when they cannot do anything,” dugtong pa ng Comelec official.

Muling magiging automated ang halalan sa 2022. (mjd)

The post Comelec nagbabala sa mga nagaalok ng ‘sure win’ sa halalan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/comelec-nagbabala-sa-mga-nagaalok-ng-sure-win-sa-halalan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=comelec-nagbabala-sa-mga-nagaalok-ng-sure-win-sa-halalan)